Inakusahan ni World chess champion Magnus Carlsen ang kapwa chess player na si Hans Niemann ng pandaraya.
Sinabi nito na makailang beses na nandaya umano si Neimann.
Noong nakaraang buwan kasi ay tinalo ni Neimann si Carlsen.
Mariing itinanggi naman ng 19-anyos na si Neimann ang akusasyon ng pandaraya.
Sinabi nito na sinisiraan lamang ni Carlsen ang kaniyang career.
Inamin kasi nito noon na nandaya siya sa online chess noong ito ay nasa edad 12 at 16 pero ang pandaraya sa board ay hindi pa siya nandaya.
Handa umano itong maglaro ng nakahubad para patunayan na hindi ito nandaraya sa paglalaro.
Nagsimula ang scandal ng talunin si Carlsen na tinaguriang greatest player of all time ay talunin ni Niemann sa Sinquefield Cup na siyang nagtapos sa 53-game unbeaten run sa classical chess.