-- Advertisements --

Natagpuang patay na at naagnas ang bangkay ng chemical engineering student mula sa Adamson University.

Ang biktimang si John Matthew Salilig ay mahigit isang linggo ng naiulat na nawawala ng kaniyang mga kaanak.

Nadiskubre ang bangkay nito sa isang bakanteng lote sa Cavite.

Itinuro ng naarestong suspek ang lugar kung saan itinapon ang bangkay.

Personal na kinilala ng kaniyang kapatid na si John Michael ang nasabing bangkay.

Base sa kapatid nito na sinabi sa kaniya ng kapatid na dadalo ito sa welcoming rites ng Tau Gamma Phi fraternity group sa Laguna.

Inamin ng isa sa mga naarestong suspek na nakatanggap ng mahigit 70 palo sa kanilang initiation rites.
Matapos ang aktibidad ay nawalan na umano ito ng buhay habang nasa loob ng sasakyan.

Tiniyak naman ng Adamson University na magsasagawa sila ng imbestigasyon habang mariing kinondina ng Tau Gamma Phi ang nasabing insidente.