-- Advertisements --

Tutugunan na ng Commission of Higher Education (CHED) ang problema ng kakulangan ng mga nurses sa bansa dahil sa pangingibang bansa nila.

Sinabi ni CHED chairperson Prospero De Vera na tuloy-tuloy ang ginagawa nilang interventions para maiwasan ang kakulangan ng nurses.

Ang nasabing hakbang ay base na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na resolbahin ang kakulangan ng nurses sa bansa.

Iminungkahi naman ng Department of Health ang standardization ng mga pasahod ng mga nurses, doctors at ilang mga healthcare workers para hindi na sila matuksong mangibang bansa.