Nilinaw ng Commission on Higher Education (CHED) na hindi biuwag ang senior high school (SHS) program kasunod ng paglalabas ng memorandum na nag-aatas sa paghinto ng naturang programa sa state and local universities and colleges.
Paliwanag ni CHED chairman Prospero de Vera III, na walang hurisdiksiyon o awtoridad ang CHED na i-terminate ang SHS program at ipinapaalala lamang nito sa SUCs at LUCs ang pagpapatigil sa programa dahil wala ng legal na basehan pa para ipapatuloy ang pagtanggap sa mga senior high school students dahil nagpaso na ang K-12 transition period.
Ginawa ng CHED official ang paglilinaw kasundo ng kumalat aniya na fake news at kuru-kuro na binuwag na ang K-12.
Inihayag din ng CHED chairman na marami ng SUCs at LUCs ang inihinto na ang pagpapatupad ng SHS program sa nakalipas na 3 taon.
Subalit inamin nito na ilang SUCs ang pabor na panatilihin ang mga SHS students sa kanilang institusyon dahil nagsisilbi aniya ang SHS program bilang feeder program para sa kanilang specialization.
Pero dahil sa nagpaso na ang K-12 transition period at dumami ang bilang ng nagi-enrol sa SUCs, sinabi ni De Vera na kailangan ng ibigay ng SUCs ang mga pasilidad at mga guro para sa mga estudyante na kumukuha ng mga kurso sa kolehiyo.
Sa parte naman ng DepEd, mayroon pa rin aniyang 2 option ang mga maapektuhang SHS studnts, ang mag-enrol sa pampublikong paaralan na nagaalok ng basic education o di naman ay mag-enrol sa pribadong paaralan at mag-avail ng voucher program.