-- Advertisements --
May naisip na paraan ang Commission on Higher Education (CHED) para matugunan ang kakulangan ng mga nurses sa bansa.
Ayon kay CHED chairman Prospero de Vera na plano nilang ipatupad ang Accelerated Master’s Degree program para mapaikli ang pagkuha nila ng mga masteral ng mga nursing graduates at agad na silang makapagturo sa mga unibersidad.
Aminado ito na in-demand ang mga nurses na may masteral degree kaya nagkakaubusan ang mga ito sa bansa.
Sa nasabing programa ay mapapabilis ang pagtatapos ng mga nurses na kukuha ng kanilang masteral degree at hindi na magkukulang ang mga faculty nurses sa bansa.