-- Advertisements --

Mariing itinanggi ng dating politiko na si Chavit Singson ang isyu tungkol sa pagkakaroon niya ng relasyon sa aktres na si Jillian Ward.

“Marites lang ’yun,” ani Chavit.

Pinabulaanan din ni Chavit ang mga isyu patungkol sa iba pang mga personalidad na umano’y kanyang nakakarelasyon. Tiniyak niya na pawang sabi-sabi lamang ang mga ito at walang sapat na ebidensya para mapatunayang totoo.

Hindi naman siya sumagot sa katanungan kung may namamagitan sa kanila ng aktres na si Yen Santos. Pabiro na lamang niyang sinabi na huwag na siyang tanungin tungkol sa mga babae dahil takot umano siya sa mga ito.

Matatandaang sinagot na nina Yen at Chavit sa isang vlog ang isyu na may namamagitan sa kanilang dalawa, kung saan pareho lang nila itong tinawanan at sinabi na puro “marites” lang ang lahat.