Muling naglaan ang Charlotte Hornets ng karagdagang offer para kay Miles Bridges.
Nakatakda kasing maging restricted free agents ngayong offseason si Bridges. Hindi siya nakapaglaro nitong nakalipas na season dahil sa pagkakasangkot nito sa domestic violence sa US.
UNa siyang inisyuhan ng NBA ng 30 game suspension dahil sa nasabing rekord ngunit dala nang hindi nito paglalaro sa buong 22-23 season, ibinaba ito sa 10 games lamang.
Maalalang pinangunahan ni Bridges ang Hornets sa scoring at rebounding noong 2022-2022 season at nasa dulo na sana ito ng isang malaking contract extension nang masangkot siya sa domestic violence sa Lon Angeles.
Sa kasalukuyan siya ay nasa ilalim ng tatlong taong probation, at kwalipikadong maglaro sa NBA.
Noong 2021-2022, siya ay may average na 20.2ppg, sa loob ng 35.5mins na paglalaro sa court.