Isinasantabi muna ng Kamara ang planong amiyendahan ang Saligang Batas sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sinabi House Committee on Constitutional Amendments chairman Rufus Rodriguez, irerekominda niya kay Speaker Alan Peter Cayetano na isantabi muna ang Charter Change upang sa gayon ay makapag-focus ang Kongreso sa COCID-19 response.
Ito ay matapos na maglunsad ng signature campaign ang ilang local officials at Cha-cha supporters para isulong ang resumption ng talakayan sa pag-amiyenda ng saligang batas sa gitna ng kinakaharap na public health crisis.
“This is not the time for the DILG and its allies to relaunch their signature drive and renew their push for Cha-cha. They should postpone it until this health crisis is over,” ani Rodriguez.
Aksaya lamang aniya sa oras ang kampanya ito dahil hindi pursigido aa ngayon ang Kamara na pagtuunan ng pansin ang Cha-cha habang maraming tao ang nagdurusa at nalalagay sa peligro dulot ng banta ng COVID-19.
“Cha-cha can wait. We will first have to attend to measures that will save lives and the livelihood of our people,” giit ni Rodriguez.
Sinabi naman ni Cayetano na may tamang oras para sa Cha-cha pero sa ngayon mas gugustuhin aniya nilang tumutok na muna sa COVID-19 response.