Pinaburan ng mga senador ang panukalang centralized jail system sa ating bansa.
Sa pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs, isinulong ni Sen. Bong Revilla na magkaroon ng national standard ang mga piitan sa ating bansa.
Batay sa kaniyang Senate Bill No. 1207, nais ng senador na magpa-iral ng magkakaparehong programa at sistema ang mga bilangguan upang maging epektibong pasilidad para sa rehabilitasyon ng mga nakakulong.
Sa panig naman ni Sen. Francis Tolentino, sinabi nitong dapat maisama sa centralized jail system ang programa para makaboto ang mga nakapiit, kung wala pang pinal na hatol sa kanilang kaso.
Kaugnay nito, nangako naman si Sen. Imee Marcos, bilang chairperson ng Senate committee on electoral reforms and people’s participation, na gagawin niya itong prioridad sa pagdinig ng lupon sa mga darating na araw.










