-- Advertisements --

Kasalukuyang naka-lockdown ang central Beijing ngayong araw para sa nighttime parade rehearsal ng Chinese military na naghahanda para sa October 1 ceremonies para gunitain ang 70th anniversary ng Communist China.

Sarado ang nasa pitong milyang kalsada sa Avenue of Eternal Peace para makapag-parade ang mga tropa ng pamahalaan sa palibot ng Tiananmen Square, ang symbolic heart ng Chinese power.

Dito idineklara ni Mao Zedong noong 1949 ang pagkakatatag ng People’s Republic of China.

Batay sa ulat ng Xinhua news agency, nasa 90,000 katao ang nakikibahagi sa rehearsal at iba pang events na may kaugnayan dito.

Dahil sa pagsara ng mahabang kalsada sa Avenue of Eternal Peace simula kahapon, nagkanda buhol-buhol ang trapiko.

Hinarang na rin kasi ng mga pulis ang access sa mga residente na may-view sa avenue.

Nabatid na tuwing kada-10 taon ginugunita ng Beijing ang anniversary ng kanilang republika sa pamamagitan ng isang malaking military parade.