-- Advertisements --

Maaga pa ay kumilos na ang Boston Celtics upang palakasin ang kanilang line up kung saan agad na-trade si All-Star point guard Kemba Walker.

Kung maalala sa first round ng NBA playoffs ay agad na nalaglag ang team.

Inanunsiyo ng Boston na binitawan nila si Walker at ang 2025 second-round pick patungong Oklahoma City Thunder kapalit nina Al Horford, Moses Brown at ang 2023 second-round draft pick.

Ang pagkilos ng Celtics ay unang hakbang ng bagong Celtics team president na si Brad Stevens.

Sinasabing si Walker ay meron pa sanang two years at $73.6 million na natitira sa contract.

“Kemba is a true professional and a great teammate and player,” ani Stevens sa statement. “I want to thank him for his tremendous impact, and the positive contribution he’s made both to the Celtics and the City of Boston.”