May mga pagbabago na ipapatupad ang Boston Celtics sa Game 3 finals sa pagitan nila ng Golden State Warriors.
Ayon kay Celtics head coach Ime Udoka na kanilang napag-aralan ang ibang pagkakamali nila noong Game 2 kaya naitabla sa 1-1 ng Warriors ang best of seven games nila.
Ilan sa mga posibleng ipatupad aniya nila ay ang paglimita ng turnovers.
Noong Game 2 kasi ay mayroong 19 turnovers ang kanilang nagawa kabilang ang 15 live-ball turnovers na sinamantala ng Warriors.
Bukod pa sa pagkakaroon ng magandang laro sa pagpasok ng third quarter.
Dagdag pa ni Udoka na nagiging delikado ang Warriors pagsapit ng ikatlong quarter kaya tiniyak nito na mas paiigtingini niya ang depensa at opensa dito.
Base kasi sa statistics ng NBA na sa 39 beses na naganap ang pagtabla sa 1-1 sa NBA finals ang koponan na magwagi ng Game 3 ay malaki ang tsansa na masungkit ang kampeonato.