-- Advertisements --

Hindi na bago sa Boston Celtics na maging ‘underdog’ sa first game nila laban sa Golden State Warriors para sa NBA Finals.

Gaganapin kasi ang unang game ng best of seven final sa homecourt ng Warriors sa Chase Center, San Francisco.

Maituturing ito na makasaysayan dahil ito ang unang beses na sa San Francisco gaganapin ang NBA Finals.

Ilan sa mga nakikita ni Celtics coach Ime Udoka ang home court advantage ng Warriors at susubukan nilang putulin ito.

Sa kabuuang 9 na home games ng Warriors sa 2022 NBA Playoffs ay wala pa kasi silang talo.

Nais rin ng Celtics na makuha ang kampeonato matapos ang 14 na taon kung saan huling naglaroo sila sa NBA Finals ay noong 12 taon ang nakakalipas ng talunin sila ng Los Angeles Lakers sa game 7.

Ito na rin ang pang 18th NBA championship sakali ng Celtics haban ang pang-pito naman sa Warriors.

Pagtitiyak din ng Celtics coach na may mga adjustment na silang ginawa lalo na para makuha ang panalo sa game 1 ng NBA finals.