Excited na may halong kaba ang nararamdaman ng isang Cebuano para-athlete para sa kanyang kauna-unahang internasyonal na kompetisyon na Obstacle Course Racing championships na gaganapin sa bansang Belgium ngayong Setyembre 13 hanggang 17.
Sa ekslusibong panayam ng Star Fm Cebu kay Kent Tumangan, sinabi nitong tatlong buwan ang kanilang ginugol sa pagsasanay at 100 percent na itong handa para sa nasabing kompetisyon.
Lalahukan nito kasama ang mahigit 20 miyembro ng national team ang tatlong category kasama na ang 100m ninja,3km obstacle course racing at 6km team relay.
Ibinunyag pa nito na nahaharap siya ngayon sa problemang pinansyal kaya naman umaasa ito at nanawagan sa pamahalaan na sana’y masuportahan at matulungan din ang mga atleta sa ibang sports gaya ng obstacle course.
Kumpyansa naman ito na maipanalo ang kumpetisyon dahil aniya ay sapat naman umano ang kanilang training.
Nagpapasalamat naman ito sa mga ipinaabot na tulong at suporta at siniguro ang Pinoy fans lalo na ang mga Cebuano na maipanalo nito ang kompetisyon.