Patuloy na pinalalakas ng Cebu Pacific Airlines ang kanilang domestic network para tugunan ang tumataas na demand ng pagbiyahe habang lumuluwag na rin ang mga travel restrictions sa bansa.
Ayon kay Michael Ivan Shau, Chief Corporate Affairs Officer at Cebu Pacific, simula sa Disyembre 16 ngayon taon ay mayroong karagdagang 16 na biyahe mula Manila patungong Bacolod.
Ang operasyon ng Manila-Bacolod flights na dalawang beses kada araw mula sa kanilang dalawang beses na biyahe kada linggo ay exclusive lamang para sa mga fully-vaccinated passengers hanggang January 15, 2022.
Mayroon din umanong ibibigay na waiver ng babayaran ng mga fully vaccinated para sa kanilang limang kilong excess baggage hanggang Enero 15.
Para ma-avail ang naturang benepisyo, kailangan ng mga pasahero na iprisinta ang kanilang vaccination card o certificate sa mga Cebu Pacific check-in counters.
Maliban sa Manila-Bacolod, mayroon na ring isang flight mula Cebu hanggang Bacolod kada Tuesday.
Sa ngayon ang Cebu Pacific domestic network ay mayroon nang 33 destinations na kinabibilangan ng 12 international destinations.