Sa loob ng ikawalong magkakasunod na taon, napanatili ng Cebu ang katayuan nito bilang pinakamayamang lalawigan sa bansa.
Ito’y batay sa 2021 Annual Financial report ng Commission on Audit (COA).
Sa report ng COA, pinakamayang lalawigan sa Pilipinas ang Cebu kung equity at asset ang pag-uusapan.
Ipinapakita dito na ang mga ari-arian ng Cebu province ay tumaas sa P215.27 bilyon noong 2021 mula saP213 bilyon noong 2022. Tumaas din ang equity nito sa P209.4 bilyon mula sa P208 bilyon.
Ang Cebu din ang nag-iisang probinsiya sa bansa na may asset na pumalo sa mahigit P200 bilyon.
Kabilang pa sa Top 10 richest provinces ng COA ay ang Rizal (P28.7 billion), Batngas (P26.3 billion), Davao de Oro (P19.7 billion), Bukidnon (P16.8 billion), Ilocos Sur (P15 billion), Cavite (14.3 billion), Leyte (P13.2 billion), Isabela (P12.7 billion), at Iloilo (P15.8 billion).
Samantala, pasok naman sa Top 10 riches cities ang iba pang locval government units (lgus) sa Cebu kung saan nasa ika-anim pwesto ang Cebu City na may kabuuang P33.3 billion ng asset na sinundan naman ng Mandaue City sa ikapitong pwesto na may P33 billion asset.