-- Advertisements --

Humiling ngayon si Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang Department of Health (DOH) na “respetuhin ang local autonomy.”

Ito’y matapos sinabi ng ahensya na hindi kumunsulta ang Cebu City government sa DOH tungkol sa face mask policy nito.

Kamakailan lang nang nag-isyu si Cebu City Mayor Mike Rama ng isang executive order kaugnay sa paggamit ng face mask bilang “non-obligatory” na sa mga open spaces nitong lungsod.

Nilinaw naman ito ni Rama na hindi nito ipagpaliban ang EO dahil aniya hindi naman umano ito nangangahulugan na tuluyan na itong tinaggal lalo pat mananatili pa rin ang paggamit nito sa mga ospital, clinics, at ibang mga medical facilities maging ang mga taong may mga sakit.

Samantala, ikokonsidera ng gobernadora na palawakin ang opsyonal na paggamit ng mga face mask sa Cebu Province at yakapin ang ginawa ng Singapore na pag-alis na sa pagsusuot ng face mask sa closed spaces maliban sa pampublikong sasakyan at mga healthcare facilities.

“I do plan to take into consideration the very very sane, sensible, logical, and pro-people face mask policy of Singapore,” ani Garcia.

Dagdag pa na pag-aaralan nila ito kasama ang iba’t ibang sektor at stakeholders.