-- Advertisements --

Pumayag ng ang mga sundalo sa Sudan na magkaroon muli ng 72 oras na ceasefire.

Ang nasabing ceasefire ay base na rin sa ginawang pakikipag-usap ng mga opisyal ng US at Saudi Arabia.

Sinabi ni US Secretary of State Antony Blinken na kanilang nakausap ang mga dalawang lider ng naglalabanang grupo sa nasabing bansa.

Sa mga ipinatupad kasi na ceasefire ay nabawasan ang mga naganap na kaguluhan.

Sa nasabing ceasefire aniya ay may pagkakataon ang mga bansa na mailikas ang kani-kanilang mga mamamayan na naiipit sa kaguluhan.

Umabot na sa halos 500 katao ang nasawi mula ng sumiklab ang labanan sa Sudan na nagsimula noong Abril 15.

Pinayuhan ni United Kingdom Foreign Secretary James Cleverly ang mga mamamayan nila na samantalahin ang paglikas habang may oras pa dahil sa walang garantiya na magpapatuloy ang evacuation flights at kung hanggang kailan matatapos ang gulo.