-- Advertisements --

Idineklara ni US President Donald Trump na epektibo na ang ceasefire o tigil-putukan sa pagitan ng Iran at Israel ngayong Martes, June 24.

Sa kaniyang Truth Social account, hinikayat ni Trump ang dalawang bansa na huwag labagin ang umiiral na ceasefire sa ikalabing-dalawang araw ng giyera sa pagitan ng magkalabang bansa.

Sa kabila nito, wala pa namang kumpirmasyon ang panig ng Israel hinggil sa kasunduan para sa ceasefire na ipinagmalaki ni Trump bilang pagwawakas ng labanan na kumitil na sa daan-daang katao sa Iran at dalawang dosena sa Israel.

Ilang oras din matapos ang anunsiyo ni Trump hinggil sa ceasefire, itinnaggi ito ni Iranian Foreign Minister Ababs Araghchi at sinabing sa ngayon walang kasunduan sa ceasefire o paghinto ng military operations.

Subalit ipinahiwatig ng Iran official na ititigil lamang sila sa pag-atake kung gagawin din ito ng Israel.