-- Advertisements --
Muling itinuloy ang negosasyon para sa ceasefire sa pagitan ng Israel at Hamas.
Nasa Cairo, Egypt ang mga senior officials ng US, Israel ,Egypt at Qatar habang nahaharap sa international pressure ang Israel para ihinto na ang ginagawang pagbobomba sa Rafah City sa Gaza.
Aabot kasi sa mahigit 1.5 milyong katao ang pinangangambahang maaapektuhan sa nasabing paglusob ng Israel sa Rafa.
Una ng sinabi ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu na hindi sila aatras sa kanilang plano na atakihin ang Rafah.
May mga nakalatag na pag-uusap sa nasabing negosasyon gaya ng pagpapalaya sa mga bihag ng Hamas at Palestinian prisoners ganun din ang pagpapatupad ng tigil putukan.