-- Advertisements --

DAVAO CITY – Naglabas ng cease and desist order ang DENR-XI laban sa 53 mineral processing plant sa Mt. Diwata at Upper Ulip sa Davao De Oro.

Ayon kay Jayvee Agas, Chief information officer ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-11, bahagi ang naturang hakbang sa kanilang isasagawang rehabilitasyon sa Navoc River.

Sa oras na simulan nila ang rehabilitation sa ilog, kailangan tiyakin na malinis ito at walang mercury mula mga planta dahil maaaring mabalewala lamang ang kanilang pagsisikap.

Nilinaw naman niya na ililipat lamang nila sa ibang lugar ang mga operator ng planta at hindi ipasasaran ang kanilang hanapbuhay.

Dagdag pa ng opisyal na maaaring makapagpatuloy sa kanilang operasyon ang mga mineral operators sa nasabing lugar ngunit hindi nila papayagan na makabalik sa kanilang barangay ang mga ito.