Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang publiko na bawasan ang oras na ginugugol sa paggamit ng cellphones at iba pang gadget ngayong Lenten season.
Sa isang panayam, binigyan diin ni CBCP Episcopal Commission on Social Communication Chairman and Boac Bishop Marcelino Maralit Jr. ang kahalagahan ng katahimikan sa pagninilay at pagdarasal.
“If we have cellphones or anything that distracted by other things we will never get that silence necessary for us to be able to listen to God,” ani Maralit.
Aniya, ang oras na ginugugol sa paggamit ng mga gadget ay maaring ilaan sa pagpanalangin, pagbabasa ng bibliya o spiritual books, at pagrorosaryo.
Magugunita na noong Ash Wednesday ay pinayuhan ni Pope Francis ang mga dumalo sa kanyang misa sa St. Peter’s Square na mag-disconnect sa panonood sa telebisyon, paggamit ng smartphones, at sa halip ay makipag-connect sa mga salita ng Diyos ngayong Lenten season.