Sang-ayon ang isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa panukala ng mga kongresista na silipin ang implementasyon ng K to 12 program.

Umaasa si CBCP Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education chairman San Jose Bishop Roberto Mallari na hindi magbibigay daan sa pagbubukas ng bagong programa ang panukala ng mga mambabatas.

Dapat daw sana’y maging patas ang mga kongresista sa gagawin nilang assessment sa mga nasunod at pumalyang pagpapatupd ng K to 12.

“Sana po ang purpose ng evaluation is to improve whatever is wanting at hindi ibahin na naman ang programa.”

Kung maaalala, inanunsyo ni House Speaker Alan Peter Cayetano na nagkasundo ang kanyang buong kapulungan para silipin ang implementasyon ng naturang programa.

Una ng hiniling ni Cayetano na ma-realign ang ilang pondo sa 2020 national budget para madagdagan ang appropriation sa K to 12 program.