-- Advertisements --

Nakahanda na ang Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) para sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Bukod kasi sa misa sa Vatican na pangungunahan ni Pope Francis sa Marso 14 ay may ilang aktibidad na isasagawa sa bansa.

Sinabi ni Monseignor Bernard Pantin ang Secretary General ng CBCP, na isang makasaysayan ang pagdating ng Kristiyanismo sa bansa.

Makikibahagi rin ang isang barko ng Espanya na iikot sa mga lugar na napuntahan ng mananakop na si Ferdinand Magellan bago ito tuluyang napadpad sa Cebu at doon ipinakalat ang Kristiyanismo.

Dadaong ang barkong Juan Sebastian El Cano sa Suluan, Homonhon Islands, Guian sa Eastern Samar mula Marso 16-18 at titigil ito sa Cebu mula Marso 20-22.

-- Advertisement --