Hinimok ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang publiko na huwag magpadala sa mga “distractions” na naglalayo sa tunay na usapin ng flood control scandal.
Nanawagan siya na sa halip ay tulungan ang bayan na i-“disrupt” ang malawakang korapsyon na tila naging normal na sa bansa.
Binanggit ni Cayetano na ang flood control scandal ang dapat bigyan ng pinakamalalim at pinakamasusing imbestigasyon sa kasalukuyan.
Inihalintulad niya ang mga sumunod na kontrobersya sa isang “magician” na inililihis ang atensyon ng mga manonood mula sa tunay na trick.
Ikinalungkot ng senador na maging ilang lider ng gobyerno, simbahan, at media ay nagiging kasangkapan umano sa paglilihis ng isyu.
Ayon kay Cayetano, dapat labanan ng publiko ang “politics of distraction” at harapin ang katotohanan upang mawakasan ang cycle ng korapsyon sa bansa.
















