-- Advertisements --
Personal na binisita ni Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) chair and House Speaker Alan Peter Cayetano ang mga delegado mula sa ilang bansa na nakaranas ng mga problema pagdating nila sa Pilipinas para sa 30th Southeast Asian Games.
Dito kinausap ni Cayetano ang mga koponan mula sa Timor Leste, Cambodia, Myanmar, Singapore at Brunei.
Tiniyak nito na ang hosting ng Pilipinas ng SEA Games ay magiging makabuluhan.
Nauna ng humingi nang paumanhin ang PHISGOC dahil sa hindi magandang karanasan ng dumating nila sa bansa.
Magugunitang nagkaroon ng aberya ang ilang manlalaro mula sa ibang bansa gaya ng maling hotel ang kanilang napuntahan at ilang mga pagkukulang.