Walang coup d’etat na nangyari sa House leadership nitong hapon matapos na maagayong tinapos ang sesyon sa plenaryo.
Ganap na alas 3:18 ng hapon nang sinuspinde hanggang bukas ang sesyon ng Mababang Kapulungan na dinaluhan ng 299 kongresista.
Si Deputy Speaker Raneo Abu ang nag-preside sa sesyon na tumagal lamang ng hanggang sa referrals ng mga panukalang batas.
Mababtid na ngayong araw dapat ipapadeklarang bakante ng mga kongresistang bumubuo sa Mindanao bloc ang posisyon ng House Speaker at mga Deputy Speaker .
Ito ay kasundo na rin ng girian sa infrastructure funds ng ilang distrito sa ilalim ng 2021 proposed P4.5-trillion naitional budget.
Kahapon, sa isang statement, inamin ni Deputy Speaker Paolo Duterte na may ipinadala siyang mensahe sa mga kongresista mula sa Mindanao upang ipadeklara na bakante ang mga nasabing posisyon.
Pero nilinaw nito na ang naturang mensahe ay pagpapahayag lamang niya ng kanyang pagkadismaya sa issue sa infrastructure projects.