-- Advertisements --
Cayetano Duterte 3
IMAGE | ACT-CIS Party-list Rep. Eric Yap

Sa gitna ng usap-usapang pagpapatalsik sa kasalukuyang House Speaker ng Kamara, nagkita sina Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano at presidential son Davao City Rep. Paolo Duterte.

Sa mga larawang ipinost ni ACT-CIS Party-list Rep. Eric Yap, makikita na magkakasama itong kumain nina Taguig City Rep. Lani Cayetano.

Lumipad daw patungong Davao City ang House Speaker, na kasama rin si House Deputy Secretary General Brian Yamsuan.

Kung maalala, naging maingay kamakailan ang umano’y utos ni Duterte sa Mindanao Bloc congressmen para ideklarang bakante ang posisyon ng House Speaker at Deputy Speaker.

Pero agad ding nilinaw ng presidential son na paersonal na pahayag niya lang ito sa gitna ng mga lumulutang din na kontrobersya sa mga pagdinig ng 2021 national budget.

Magugunitang nagkasundo sina Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na maghahatian sila ng termino bilang House Speaker ngayong 18th Congress.

View this post on Instagram

Chillax night

A post shared by Cong. Eric Go Yap (@congericgoyap) on

Sa nakaraang Kongreso, nagkasundo ang karamihan ng mga mambabatas na patalsikin sa pwesto si Davao Rep. Pantaleon Alvarez bilang House Speaker, na siyang pinalitan ni dating pangulo at former Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.