-- Advertisements --
Hindi umubra ang Cleveland Cavaliers matapos ilampaso ng Boston Celtics sa score na 141-103.
Nanguna si Jaylen Brown sa opensiba ng Boston nang itala ang 33 points para sa kanilang ika-siyam na panalo.
Nasa 20 ng kanyang kabuuang puntos ay ibinuhos niya sa third quarter.
Sa panig ng Cavs na inalat ang mga tira ang may pinakamataas na score ay si Collin Sexton na meron lamang 13 points.
Una rito, lumakas lalo ang loob ng Cavs (8-8) ng dalawang beses na talunin ang tinaguriang superteam ngayon na Brooklyn Nets kung saan nagsama-sama na ng puwersa ang mga superstars na sina Kevin Durant, James Harden at Kyrie Irving.
















