Pinuri ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa puwesto sa kaniyang pagiging matatag para mapabuti ang buhay ng mga Pilipino.
Sinabi pa ni Barzaga, stalwart ng National Unity Party (NUP) na impressive ang unang taon ng Pangulo kung saan nagawa nitong ibalik ang pagiging disente ng public office.
Sabi pa ng beteranong mambabatas na hindi aniya hinayaan ng presidente na magpadala sa emosyon at sa halip ay pinairal ang propesyonalismo.
Dagdag pa ng mambabatas na gusto niya ang pagkatao ng chief executive, bukod sa pagiging propesyunal ay napaka humble pa.
“I like how the President carries himself. He was humble enough to give himself an ‘incomplete’ grade in his first year while being firm in saying that it’s best to take things in stride as the country is getting back on its feet post-pandemic,” wika ni Barzaga.
Malaki aniya ang naitulong ng Pangulong Marcos Jr. upang maibalik muli ang respeto at pagkilala ng international community sa Pilipinas.
Kabilang na aniya dito ang pagpapakilala sa Pilipinas bilang ‘investment destination’ at pagpapalakas ng diplomatic at economic relations sa ibang mga nasyon gayundin ang pagpapabuti sa ekonomiya ng bansa.
Ipinunto ni Barzaga na nasa tamang direksiyon ang ginagawa ng administrasyon.