-- Advertisements --

Pasok na sa 2025 playoffs ang top NBA team na Cleveland Cavaliers matapos.

Ang naturang koponan ang unang nakapasok sa playoffs ngayong taon, hawak ang 48 – 10 win-loss record, ang kasalukuyang pinakamagandang record sa NBA.

Ito ang unang pagkakataon na magawa ang Cavs ng back-to-back playoff appearance mula noong 2018, ang huling laban ng koponan sa championship sa pangunguna noon ni NBA superstar Lebron James.

Huling nakalaban ng Cavs ang Orlando Magic bago ito nakakuha ng playoff spot kung saan tinambakan ito ng top team ng 40 big points.

Batay sa schedule na inilabas ng NBA, matatapos ang regular season sa April 13 habang magsisimula ang playoffs sa April 19, 2025 (US time).

Bago nito, gaganapin muna ang NBA Play-In Tournament mula April 15 hanggang April 18. Dito ay pagdedesisyunan kung anong koponan ang makakapasok sa No. 7 at No. 8, kapwa sa Western at Eastern Conference.

Pagkatapos ng ilang lingong playoff, aarangkada na ang Game 1 ng 2025 NBA Finals sa Hunyo-5.

Sa nakalipas na season, naibulsa ng Boston Celtics ang championship trophy matapos nitong talunin ang Dallas Mavericks sa loob ng limang game.