-- Advertisements --

Ginulantang ng Cleveland Cavaliers ang Charlotte Hornets, 103-90.

Ito na ang ikatlong sunod na talo ng Hornets para mapako sila sa 27-27 record, habang nakausad naman ang Cavs sa 20-34.

Agaw pansin sa Cleveland ang pagbabalik ni Jarret Allen na nagposte ng 15 points at walong rebounds matapos na umabot din sa walong games na hindi nakalaro bunsod ng injury.

Sinimulan kaagad ni Allen ang kanyang game sa dalawang dunks.

Malaking tulong din naman sa panalo ng Cavs (20-34) sina Taurean Prince na may season-high na 25 points at anim na 3-pointers at si Kevin Love na nagdagdag ng 17 points at 11 rebounds para tuldukan ang dalawa nilang magkasunod na talo.

Nagpadagdag pa sa kamalasan ng Horners ang hindi pa rin paglalaro ng kanilang apat na top scorers na sina LaMelo Ball, Gordon Hayward, P.J. Washington at Malik Monk.