Cauayan airport
Cauayan City Airport

CAUAYAN CITY – Inilatag na ng Cauayan City Airport Police ang mga hakbang para maiwasan ang pagpasok ng 2019 novel coronavirus.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Major Nora Paat, hepe ng Cauayan City Airport Police, sinabi niya na bilang pangunahing nagbabantay sa seguridad ng paliparan ng lungsod ay nagsusuot na rin sila ng face mask para sa kanilang proteksyon.

Bilang pakikiisa nila sa Department of Health (DOH) ay namamahagi na rin sila ng mga polyetos na naglalaman ng mga pamamaraan para makaiwas sa deadly virus.

Ayon pa kay Paat, ngayong linggo ay aasahan pa na magsasagawa ng panibagong pagpupulong ang pamunuan ng paliparan upang mailatag ang mga karagdagang hakbang para maiwasan na makapasok ang nasabing sakit sa rehiyon.

cauayan airport Isabela