-- Advertisements --

Walang balak ang Fil-Australian beauty na si Catriona Magnayon Gray na maghinay-hinay sa natitirang apat na buwan ng kanyang reign bilang Miss Universe.

Bago bumalik sa New York kung saan naroon ang Miss Universe headquarters, inihayag ni Cat na target pa rin niyang maging active sa iba’t ibang organisasyon at charity.

“Yeah few months left na lang for my reign, but no slowing down. It’s really my aim to make the tone of my whole year to be about giving back, to be about purpose,” ani Gray sa isang panayam. “Working with different organizations, working with different charities, that’s how I define the success of my year and that’s what I’m really pushing forward this last few months, just as I have the year too.”

Inaasahan na sa darating na Nobyembre, balik Pilipinas ulit ang 25-year-old queen na tubong Bicol para sa isang charity event.

Sa ngayon ay wala pang inaanunsyo ang Miss Universe Organization (MUO) para sa final venue ng Miss Universe coronation sa darating na Disyembre ngayong taon.

Pero kabilang sa umuugong na nag-aagawang maging host country ay ang United Arab Emirates at South Korea, habang nagpahiwatig na rin daw ang Israel.

Lumika naman ng ispekulasyon ang pagkalat ng litrato ni MUO President Paula Shugart na dumating sa bansa para raw bisitahin ang Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.