Catriona with Demi Leigh

Malaki umano ang tiwala ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray sa batch ng Binibining Pilipinas candidates ngayong taon.

Ayon sa 25-year-old Fil-Australian beauty na tubong Bicol, wala pa siyang “one on one” moment sa 40 official candidates pero sa tingin niya’y may kanya-kanyang laban ang bawat isa.

“I’m sure they will do very well. I’m sure (the best girl) will win,” ani Gray sa isang panayam. “Laban lang. They are all beautiful. I haven’t had the chance to have a one on one with them yet. I’ve just been seeing a little bit online but they’re all very promising.”

Una nang inamin ni Gray na emosyunal pero isang karangalan ang pagpasa ng Binibining Pilipinas-Universe crown para sa susunod na magiging kinatawan ng bansa.

Sa ngayon ay puspusan ang rehearsal ng mga kandidata para sa coronation night sa darating na Linggo, June 9, na personal na sasaksihan ni Cat.

Bb Bar passer Patch Magtanong
Magtanon’s national costume

Kasama pa rin sa fearless forecast ng ilang pageant experts na makakasungkit ng korona ay ang Bar passer mula Bataan na si Patricia Magtanong, gayundin ang half British mula Negros na si Vickie Marie Rushton.

Vicki Rushton national costume

Rushton’s national costume

Para kay Norman Tinio, creator ng pageant website na normannorman.com, si Atty. Patch ang gusto niyang humalili kay Gray para sa Miss Universe habang si Rushton naman ang hula nito na magiging Binibining Pilipinas International.

Manalo Athisa

“I am looking at 5 girls who have got the Miss Int vibes!” saad ni Manalo.

Kung maaalala, hawak ng Pilipinas ang kasalukuyang Miss Universe title habang abot-kamay naman ng Quezon Province beauty na si Athisa Manalo ang pang-pito sanang Miss International crown sa pagiging first runner-up.