Ngayon pa lamang ay looking forward na uli na magbalik sa Pilipinas si 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray.

Ito’y kasabay ng pagtatapos ng kanyang dalawang linggong homecoming events at kasalukuyan namang nasa Indonesia.

Ayon sa 25-year-old half Australian beauty na tubong Albay, hindi na siya makapaghintay na magbalik uli sa kanyang home country.

“Can’t wait to be back!” bahagi ng caption ni Gray sa huling online post bago umalis ng bansa.

Isa rin sa mga recent posts nito ay ang larawan niya kasama ang Australian father na inilarawan niya bilang “my personal hero since 94′.”

Naging mainit naman ang pagsalubong kay Gray kung saan inabutan siya ng flower bouquet, sa pangunguna ng kanyang roommate noon sa Miss Universe 2018 na si Miss Universe Indonesia Sonia Fergina.

(C) Pageanthology 101

Layunin ng pagbalik nito sa Indonesia ay para sa grand coronation night ng 2019 Puteri Indonesia sa darating na March 8.

Maihahambing sa Binibining Pilipinas ang nasabing national pageant ng Indonesia kung saan inaasahan ang pagkikita-kita ng mga present at former queens ng iba’t ibang beauty pageant.

Kabilang din kasi sa inaasahan na darating sa Indonesia ay sina reigning Miss International Mariem Velazco ng Venezuela, reigning Miss Supranational Valeria Vazquez ng Puerto Rico, 2017 Miss Supranational Jenny Kim ng Korea, at 2017 Miss International Kevin Lilliana ng Indonesia.

Kasama rin sana sa lineup ang third Pinay Miss Universe na si Pia Wurtzbach ngunit ayon sa Indonesian pageant organization, hindi na ito matutuloy dahil sa hectic na schedule ng half German beauty na tubong Cagayan de Oro.

Kung maaalala, ang Indonesia rin ang unang international trip ni Gray bilang Miss Universe nitong Enero at sumabak sa commercial shoot ng vitamins.

Cat’s IG story yesterday, March 5