Nasa Pilipinas pa rin si 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray.

Ito’y bagama’t mistulang tahimik ang 25-year-old Fil-Australian beauty simula kahapon, matapos ang kanyang pagbisita sa iba’t ibang charity nitong Miyerkules.

Gayunman, mangunguna si Gray sa tinaguriang “The Silver Lining HIV Screening Day” bukas, March 2, sa iba’t ibang LoveYourself Community Centers sa bansa.

Kasabay nito ay nanawagan ang beauty queen mula Bicol na ituring ang HIV (human immunodeficiency viruses) testing bilang “normal and regular health routine.”

“THIS IS ME: The Silver Lining HIV Screening Day on March 2 (Saturday) at LoveYourself Community Centers and their partner organizations around the country. To register, visit http://go.loveyourself.ph/ThisIsMeCatriona …. Let’s keep HIV testing as a normal, regular health routine. Pa-test na!” ani Gray.

Nabatid na isa sa mga advocacy ni Gray ay ang pagpapalaganap sa HIV awareness.