LEGAZPI CITY – Mixed emotions na umano ang nararamdaman ng mga nagagandahang dilag ng Binibining Pilipinas 2019, ilang araw bago ang grand coronation night.

Tulad na lamang ni Binibini candidate Francia Layderos na tubong Libon, Albay, na puspusan ang panalanagin habang lubos na ipinagpapasalamat ang walang humpay na suportang natatanggap.

Pagbabahagi nito sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi, masaya, excited at thrilled na siya para sa big night subalit hindi maiwasang malungkot dahil sa napipintong pagkahiwalay sa mga nabuong kaibigan sa kompetisyon.

Hectic na rin aniya ang schedule, may kakulangan sa tulog na sabayan pa ng pressure lalo pa’t may dugong Bicolano ang reigning Miss Universe na si Catriona Magnayon Gray.

Sa kabila nito, nanindigan si Layderos na bilang isang Oragon, hindi susuko sa anumang laban habang umaasa ring makakadaupang-palad si Queen Cat.

Ito ay sa isasagawang gala night mamaya na inaasahang magbibigay ng karagdagang motivation sa mga beauties.