-- Advertisements --

Pumalo sa $2.8 bilyon ang kabuuang lugi ng Cathay Pacific Airways nong 2020.

Ang nasabing pagkalugi ay dahil sa ipinatupad na travel restrictions bunsod ng nararanasang COVID-19 pandemic.

Ito na ang magkasunod na mababang kita ng nasabing airlines dahil noong 2019 ay bumaba ang kita dahil sa naganap na kabilaang kilos protesta.

Magugunitang halos lahat ng mga airline companies sa buong mundo ay nagbawas na rin ng mga empleyado dahil sa kawalan ng kita.