Nadepensahan ni Japanese boxer Naoya Inoue ang kaniyang bantamweight belt laban sa challenger na si Jason Moloney.
Naging susi ang matinding suntok ng 27-anyos na boksingero sa kanang kamay na nagbunsod sa pagbagsak ni Moloney sa ikapitong round.
Mula pa kasi sa unang round ay pinaulalanan na ng suntok ang kalaban nito.
Dahil sa panalo ay napanatili ng tinaguriang “Monster” ang kaniyang IBF, WBA at The RING bantamweight titles.
Target naman nito na makuha ang WBC at WBO ng 118 ponds belt.
Hinamon naman nito sina Filipino boxer Johnriel Casimero na may hawak ng WBO belt at ang sinong manalo sa pagitan nina Filipino Flash Nonito Donaire at Nordine Oubaali.
Magugunitang nakansela ang laban ni Casimero kay Inoue noong Abril dahil sa COVID-19 pandemic habang natalo naman si Donaire kay Inoue noong Nobyembre 2019 sa laban nila na ginanap sa Saitama, Japan.