-- Advertisements --

Kapwa pasok sa kanilang official weigh-in sina Pinoy 3-division world champion John Riel Casimero at Cuban two-division champion Guillermo Rigondeaux.

Sa ulat ni Bombo international correspondent Dr. John Melo ginanap ang pagtimbang sa dalawang magkaribal sa Hyatt Regency Hotel sa Los Angeles.

Tumimbang ang 32-anyos na Filipino WBO bantamweight champion na eksakto sa weight limit na 118 pounds, habang si Rigondeaux ay bahagyang magaan naman sa 117.5 pounds.

Matapos pumasa sa pagtimbang agad bumawi sa pagkain si Casimero at nilantakan ang mga pagkain tulad ng bulalo, spaghetti, prutas, chocolates at iba pa.

Una nang nagbigay ng prediksiyon si Casimero na tatapusin niya ang laban sa loob ng tatlong rounds kontra sa dating two-time Olympic gold medalist.

Magaganap ang banggaan ng dalawa sa Dignity Health Sports Park sa California.