-- Advertisements --

Kinumpirma ng Games and Amusements Board (GAB) na may natanggap silang reklamo kaugnay sa laban ni John Riel Casimero.

Ayon kay GAB Chairman Richard Clarin, sa paunang pagsusuri ay lumalaban nang agresibo si Casimero at walang indikasyong nagpapatalo.

Gayunpaman, patuloy ang imbestigasyon sa posibilidad ng game-fixing sa naturang laban.

Ipinaliwanag ni Clarin na kung mapapatunayan ang sabwatan, maaaring bawiin ang lisensya ng boksingero.

Mahigpit umano ang GAB pagdating sa mga kasong may kinalaman sa integridad ng laro.

Si Casimero ay dating world champion na kilala sa kaniyang tapang sa ring.

Nanawagan ang GAB sa publiko na maghintay ng opisyal na resulta ng imbestigasyon at huwag magpakalat ng mga espikulasyon lamang.

Patuloy namang inaabangan ang panig ng Pinoy boxer hinggil sa nasabing issue.