-- Advertisements --
BSP

Tumaas at lumago raw ang money transfers mula sa mga Pinoy sa ibayong dagat ng two-month high mula noong buwan ng Setyembre.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ito ay dahil sa paglago ng remittances sa sea-based at land-based overseas workers.

Ang cash remittances o money transfers na nakuha sa pamamagitan ng mga bangko o formal channels ay pumalo sa $2.84 billion o mahigit P162 trillion.

Tumaas ito ng 3.8 percent mula sa dating $2.74 billion o katumbas ng mahigit P157 trillion noong buwan ng Setymbre 2021.

Ito na rin ang pinakamataas mula noong July nang pumalo ang cash remittances sa $2.917 billion o katumbas ng P170 trillion.

Ang month-on-month, cash remittances noong September ay mas mataas din sa $2.721 billion o P156 trillion noong August.

Samantala, ang year-to-date personal remittances ay lumago sa 3.1 percent o $26.49 billion mula sa dating $25.70 billion na naitala sa parehong period noong 2021.