-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagtaas ng cash remittances noong 2022 na idinaaan sa banko.

Base sa kanilang talaan na umabot sa $32.54 bilyon ang kabuuang cash remittances ng mga Filipino overseas noong 2022.

Mas mataas ito ng 3.6 percent noong 2021 na mayroon lamang $31.42-B.

Sa Disyembre lamang aniya ay mayroong 5.8 percent na pagtaas o katumbas ito ng $3.16 bilyon.

Nanguna ang US sa may pinakamalaking remittance na sinundan ng Saudi Arabia, Singapore, Qatar at United Kingdom.

Tumaas din ang personal remittance ng $36.14 bilyon na mayroong 3.6 percent na pagtaas kumpa sa $34.88-B na pagtaas noong 2021.