GENERAL SANTOS CITY – Pinaghahandaan na ng GenSan-local government unit (LGU) ang pag-uwi ng magkapatid na nkakuha ng dalawang silver sa pencak silat at seni ganda male event sa 30th South East Asian (SEA) Games.

Ayon kay Lady Manalo ng City Sports nitong lungsod, nakahanda na ang tig-P20,000 na incentives para sa magkapatid na sina Alfau at Almohaidib Abad matapos magwagi.

Dagdag pa nito na matagal ng nasa Philippine team ang makapatid at marami ng international games ang sinalihan.

Nalaman na sa GenSan, limang atleta ang naglaro sa SEA Games kung saan isa sa athletics, tig-isa sa volleyball at aero dynamics, habang pinakamarami ang officiating officials.

Nabatid din na ang GenSan ay nagbibigay ng incentives na P30,000 sa gold medal kung manalo sa international competitions, P20,000 kapag silver, at P10,000 naman sa bronze medal.