-- Advertisements --

Sinuportahan ni retired SC Justice Antonio Carpio ang panawagan ng grupo ng mga kabataan na magkaroon ng extension sa rehistrasyon ng mga botante.

Una nang iginiit ng Comelec na walang extension sa registration of voters na magtatapos sa September 30.

Justice Antonio Carpio

Ayon kay Carpio, tama lang naman daw ang kahilingan na isang buwan pang extension dahil sa mga lockdowns sa maraming lugar na ipinatupad bunsod ng pandemya.

Tinukoy din ni Carpio na batay sa mga datos nasa 12 million pa raw ang hindi pa nagpaparehistro at ang kanilang bilang ay kayang makaapekto sa ihahalal na bagong prehistro.

Marami rin niya ang hindi pa nakapagrehistro na mga first time voters.

-- Advertisement --