-- Advertisements --

Patuloy ang pamamayagpag sa pagbabalik ni Caroline Wozniacki sa US Open ngayong taon.

Ito ay matapos niyang talunin ang 11-seeded na si Petra Kvitova sa straight sets na 7-5, 7-6.

Ito ang unang panalo niya kontra sa Top-20 players sa loob ng limang taon.

Ang dating world number 1 na Danish tennis star ay nagretiro sa paglalaro noong 2020 at nanatili ito sa pagiging tennis analyst.

Nitong Hunyo ay nagpahayag siya ng kaniyang intensiyon na pagbabalik sa paglalaro.

Susunod na makakaharap nito sa susunod na round ay si Jennifer Brady ng US.