-- Advertisements --

May napili na ang White House ng susunod na US Ambassador to the Philippines.

Kinumpirma ng US Senate na napili ng White House si MaryKay Carlson.

Si MaryKay Loss Carlson ay Career Member ng Senior Foreign Service, Calss of Minister-Counselor ng US.

Papalitan nito si Heather Variava na naging ad interim Chargé d’Affaires mula pa noong Setyembre 2021.

Pinalitan ni Variava si Sung Kim na naging US Ambassador to the Philippines mula Nobyembre 2016 hanggang Oktubre 2020.

Si Carlson ay nagsilbing Deputy Chief of Mission sa US Embassy ng Buenos Aires, Argentina.

Sa loob din ng tatlong taon ay naging Deputy Chief of Mission sa New Delhi, India at Charge’d Affaires sa loob ng 10 buwan.

Nanilbahan din sa foreign service mula pa noong 1985.

Isa si dating US Ambassador to the Philippines Kristie Kenney ang nagpahayag ng magandang balita sa pag-upo ni Carlson.

Magugunitang naging unang babaeng US Ambassador to the Philippines si Kenney mula 2006 hanggang 2010.