Carlos Yulo parallel bars 2
-- Advertisements --

Tinapos ni Carlos Yulo ang kanyang kampanya sa 50th FIG Artistic Gymastics World Championships bitbit ang silver medal para sa parallel bars finals ngayong araw ng Linggo.

Kumamada ang Filipino Olympian ng kabuuang 15.300 points kung saan 8.900 points dito ay sa kanyang execution at 6.400 points naman sa difficulty.

Una rito, nasungkit ni Yulo ang gintong medalya sa finals ng event naman sa vault.

Ang 21-anyos na gymnast ay mayroon nang gold sa floor noong 2019, ginto sa vault at silver naman sa 2021 edition ng torneyo.