Patuloy na nakatuon ang atensiyo ni Pinoy gymnast Carlos Yulo para makakuha ng gintong medalya sa Paris Olympics.
Pinakahuling tagumpay nito ay ng makakuha ito ng bronze medal sa 2024 FIG Artistic Gymnastics World Cup Series.
Kahit na bigo ito sa finals ng vault at nagtapos siya bilang pang-21 sa elimination round ay tuloy-tuloy ang ensayo pa rin nito.
Ayon kay Gymnastics Association of the Philippines President Cynthia Carrion, na sa kasalukuyan ay nananatiling wala itong coach dhil sa pag-alis ni Munehiro Kugimiya noong Oktubre 2023.
Sa mga susunod na araw ay pabalik na sa bansa si Yulo para sa pagpapatuloy ng kaniyang training at babalik sa Australia sa katapusan ng Marso para sa panibagong training camp.
Sa buwan kasi ng Abril ay sasabak ito sa Doha World Cup Series ganun din ang Asian Championships sa Uzbekistan sa buwan ng Mayo.
Bago ang Paris Olympics sa Hulyo ay magsasanay si Yulo sa Europa.
Isa si Yulo sa apat na Pinoy na kuwalipikado na sa Paris kasama ang ilang gymnast na sina Aleah Finnegan, boxers Nesthy Petecio, Aira Villegas, Eumir Marcial at pole vaulter EJ Obiena.